United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi sucat gamitin ang jabón sa castila na hindi maputi. Ang ungüento sa galis ay gayon ang paggaua: ang isang dacot na malaqui nang dahon nang manquit, at ang isa pang dacot nang talbos nang papaya sampon nang isa pa namang dacot nang dahon nang apaliya, ay lulutuin mong maigui sa calahating gatang na lan~gis ó lana.