United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung ang tagumpay n~g mangdudula ay nakikilala sa pagkatig sa piling niya n~g lalong marami't piling nanohood, ang di gagaanong taong umuuhong lagi sa m~ga dulaan kailan pa ma't itatanghal ang alin man sa kanyang m~ga akdang "M~ga Pagkakataon," "Opereta"? at "M~ga Bin~gi", ay maliwanag nang patotoo na ang tagumpay ay nasa kanya na.
Anopa't sa ganang aking pagkapisil, hindi na kailan~gan ni Rivera ang sumulat pa n~g lalong maraming katha upang maging karapatdapat siya sa luklukan n~g ating m~ga ipinagkakapuring man~ga mangdudula. Ang pagkamandudula n~g isang tao ay dapat kilalanin hindi sa karamihan n~g dulang sinulat, kundi sa uri at taglay na m~ga katan~gian n~g kanyang nakatha na.
Sa gulang na dalawangpuong taón, ang manghihimagsik, ay tumahak na naman ng bagong landasin: nanulat ng dulang tagalog. At mangdudula na at manghihimagsik at mamahayag, ay inibig pa ring kumita ng lalong dan~gal. Kaya't pinilit pang makapag "Bachiller en Artes", "Perito Mercantil" at "Licenciado en Derecho". Makatás na likha ng talinong ito ang: *