United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang hayop na pinan~gan~ganlang antipalo, ay catulad nang olopihan, munti lamang doon, at marami ang paa. Itong hayop na ito,i, sungmusoot sa tayin~ga nang tauo. Ang pinan~gan~ganlan nang tagalog na otdo ay catulad nang bulati, munti lamang ang catauan, mabilog, malandas na totoo, maquintab ang balat,at ga mariquit tingnan.
Ang sigandagat ay damong mabolo. Ang taas ay tatlo ó apat na dangcal. Ang bulaclac ay tila azul, at apat ang bot-o, na yao,i, matigas, maitim, malandas at maquintab. Cun hindi minamatapang mo ito, ay atuhin mo ang bilin sa número 77. Nota. Ang ojimiel ay gayon ang paggaua. Ang dalauang tagayang pulot ay hinuhulugan nang isang tagayang suca, at yaon ang pinan~gan~ganlang ojimiel.