United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkatapos n~g m~ga pagpapakunwang ito at pag nagkatabi na ang lalaki at ang babae, ay tumatayo ang isang matanda at sumisigaw na tumahimik ang lahat, saka sinasabing: Si Gat Maitan ay nakikipag-isang-dibdib kay Dayang Matî; n~guni't kung kanyang pababayaan at hindi niya kakalin~gain, ay iiwan siya at di sasauli sa kanya ang "bigay-kaya", at si Dayang Matî ay mag-aasawa sa iba.
Datapwa't kung si Dayang Matî naman ay masamang asal ay babawiin sa kanya ni Gat Maitan ang "bigay-kaya", iiwan siya at mag-aasawa sa ibang babae, saka pinasasaksihan sa m~ga kaharap.
Salita Ng Araw