United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Payat na payat si Kadiliman dahil sa siya'y nagkaroon n~g sakit magmula n~g mapagkaalaman ang kabulukan n~g kanyang pusô, hindi napagkakatulog ang kahabag-habag dahil sa ubo, kaya't ang palaging ta~gurî niya ay ganito: ¡Ay! sasasalin n~g ubo; ubo, ubo, ub ... ¡ay! pag hindi ako ang naging Consejal mabuti pang ako'y namamatay na, sasasalin na naman n~g ubo; ubo, ubo ... ub ... mananaghoy na naman n~g ... bulok na ang aking puso sa kinakakain n~g hindi ko dugo, ¡m~ga ingitero! ang pan~gapós na buntong hinin~ga kung hindi ninyo sinulsulan pehong pehong ako ang Consejal ; n~gayon hindi ko maalaman ang mangyayari; hindi pa halos natatapos ang m~ga salitang ito ay siyang pagdating nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na nagpapanan~gisan, niyakap ni Bakokoy si Kadiliman at ganitó ang wika: kahabag-habag ka Kadiliman, hindi ikaw ang lumabás na Consejal naháhalata na pala n~g tanan, na inuulol mo kami; hagulgulang umaatikabo n~g iyák ang tatlo nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô, n~g marinig ni Kadiliman ang pananambitan n~g kanyang m~ga inuulol, nagnin~gas ang matá na waring nanunulig, sinasal n~g sunodsunod na ubo; ubo ... ubo ... ubo ... ub ... biglang napahiga at nawalan n~g diwa na waring naghimatay; sigaw doon sigaw dito ang m~ga kampon niya, asawa't m~ga anak, walang isinisigaw kundi: ilaw, ilaw, ilaw upang magliwanag.

Lintik! sigaw na halos magiba ang bahay ni Kadiliman at sinabayan ito n~g hampas n~g latigo, parol anyá ang taglay ko n~g tayo'y magliwanag. ¿Bakit ka nang-uulol Kadiliman? Marahang sumagot si Kadiliman n~g ¡¡¡ay!!! Nan~gan~gapos ang hinin~ga mo, ¿ha? at biglang pinilantik n~g látigo ni Giday.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap