United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun siya,i, matapos na gumauá, alamin mo ang oras nang pagoui, ihanda ang pagcain nang may pagcaguinhauahan sa pagod at hirap. Cun nagdaan sa init nang arao ó nagdaramdám caya nang gutom, hindi malayo na maginit ang ulo, paquiramdaman mo, salubun~gin nang tua at pagibig, nang may pagcalamigan ang loob. Cun maquitaan mo nang galit, ay houag salansan~gin, at nang di pagtalunan.
Ang malabis na pagaaral, ang magisip na palagui, ang magpuyat sa pananalan~gin, na bahagya na macapagpahin~ga ang catauan, sa oras na quinacailan~gan, at ano mang gauin nang tauo pag di natunton sa guhit, ay nacapagcaca-saquit, caya itinutulot ang pagaalio, nang may pagcaguinhauahan ang tauo, may pagcaliban~gan at nang houag maginit ang ulo.
Salita Ng Araw