United States or Bouvet Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob ang parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.

Cun siya,i, matapos na gumauá, alamin mo ang oras nang pagoui, ihanda ang pagcain nang may pagcaguinhauahan sa pagod at hirap. Cun nagdaan sa init nang arao ó nagdaramdám caya nang gutom, hindi malayo na maginit ang ulo, paquiramdaman mo, salubun~gin nang tua at pagibig, nang may pagcalamigan ang loob. Cun maquitaan mo nang galit, ay houag salansan~gin, at nang di pagtalunan.

Cun si Amadeo, Feliza, ay maquitaan mo nang galit, macabitao siya nang masaquit na sabi, ay pagaralan mong tiisin, nang cun maquitaan ca nang magandang halimbaua, ay magaral namang magtiis sa iyo. Marami ang babayeng matabil, di marunong mag tiis: ang isang sabi nang asaua, ay sasagotin nang sampo. ¿Ano ang quinásasapitan cun minsan nang man~ga ganitong babaye? Ang lalaqui pag nagalit, ay hahauac nang pamalo, at ang sampuong sagót nang babaye, ay gagantihin naman nang sampuong palo nang lalaqui. At dito na nagmumul

Si Honesto,i, tumatan~gis, dinaramdam ang caniyang pan~gon~golila sa panahon nang cabataan, n~guni,t, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni Honesto na caniyang pan~galan ay siya ring ipinahahalata.

Sa matá ang uica nang Profeta Jeremías, nanasoc ang camatayan nang caloloua, na sumisira sa man~ga binata. Ang anac na talipandás at mapan~gahás, ay nacapagbibigay hapis sa caaua auang ama, ang uica nang Dios Espíritu Santo. Caya pacain~gatan, at cun maquitaan nang casiraan, ay hangang bago,i, bigyan agád nang cagamutan, sa pagca cun lumalâ, ay ualâ nang magagaua.

N~guni cun maganda ang nasa nang loob, ang siya baga,i, mag lingcód sa Dios, paquinaban~gan, nang Santa Iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling; cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan, nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalan~gin, sa pag gugunam-gunam, sa pag tangap nang man~ga Santos Sacramentos; ay houag sansalain, cun di hicayatin.

Cun ang caibigan ay maquitaan nang cabaitan at tapat na loob ay pagsasangunian, at di naman dapat pagcaitan nang magandang hatol ang nunuhang sanguni. Cun ang isa,i, pinaguupasalaan, ay dapat ipagtangól nang nacaririnig na caibigan, ipahahayag ang caniyang cabutihan at nang houag masiraan nang puri.

Ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo ang gaui nang cabataang mag laró sa capoua bata; ang cahinhinan nang iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,t, catalipandasan, mag pahangan n~gayo,i, di nalilimutan nang canitang Maestra, at sa touing masabi sa aquin, ay nagagalác ang loob co,t, nagnanásang mahouarán ang magandang caasalan mo.

Cun icao, Feliza at Amadeo, ay pagcalooban nang Dios nang anac na lalaqui, na mag aaral sa Universidad at cun dumating ang panahón ay mag nasang tumangáp nang Orden Sacerdotal, ay houag cayong cadadali na mag bigay nang pahintulot, cun di rin lamang maquitaan nang carunun~gan na itutupád nang caniyang man~ga catungculan, sapagca,t, cun ualang carunun~gan ay di niya icagagaling, cun di icasasama, at sampong cayo,i, caramay dahil sa capabayaan.

At inibig pa niya na ang man~ga nasabing indulgencias, ay macamtan n~g man~ga hindi marunong bumasa, ó ualang maquitaan nang man~ga panalan~ging nasusulat dito, cun sa balang isang arao nang Domingo, sa pitong pipiliin, ay magdasal sila nang pitong Ama namin, pitong Aba, Guinoong Maria at pitong Gloria Patri . Datapua cailan~gang tandaan, na sinoman ang ibig magcamit nang indulgencia plenaria, ay dapat dumulog sa confesión at sa comunión, at dumalao sa isang simbahan, at doon ipanalan~gin ang Santa Iglesia ayon sa na sa loob nang Santo Papa.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap