United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gayon man ang marunong maquipagcapoua tauo, cun di man mangyaring macapahinohod sa namamanhic sa caniya, ay sinasagot nang banayad, binabagayan nang masayang muc-hâ. Ipinaquiquilala, malaqui disin ang caniyang nása na magbigay loob, ay hindi mangyari,t, di macayanang gauin, ó nasisinsay caya sa catouiran.
Malasin mo, Feliza, ang caugalian ni Amadeo, at sundin ang caniyang calooban, houag lamang sa di catouiran. Pagaralan mo naman, Amadeo na si Feliza ay maca sundó mo; at cahit catungculan nang babaye ang sumunód sa lalaqui, ay houag mong piliting masunód na lahat ang caibigán mo, sa pagca,t, magpacabait-bait man ang lalaqui, ay nacacapagpita sa babaye nang di macayanang sundin.