United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang haring nacagagawâ at nacapag-uutos n~g bawa't maibigan, sa macatowid ay waláng nacaháhadlang na sino man sa canyáng calooban. Tinatawag na haring "constitucional" ang hindî nacapag-uutos n~g bawa't maibigan cung dî ang ipinakikilala n~g Bayang canyáng calooban sa pamamag-itan n~g canyáng m~ga kinácatawáng bumubuô n~g Asemblea ó Congreso, Senado at Consejo n~g m~ga Ministro.
Si Luis Diez y Seis ay haring "Constitucional," sa macatowid ay haring hindî siyá ang nacapangyayari cung di ang guinágawâ niyá't ipinag-uutos ay ang ipinagágawá't ipinag-uutos n~g m~ga kinacatawán n~g m~ga táong bayan; nagharì sa Francia mula n~g 1774 hanggang 1798. Pinugutan siyá n~g úlo, sampô n~g canyáng asawang si María Antonieta n~g m~ga revolucionario.
Bawa't macabasa n~g " Noli me Tangere " ni Rizal ay nan~gagsasabing ang librong ito'y siyang bagong Biblia n~g bayang filipino; sa macatowid baga'y sa m~ga aral na nababasa sa Noli me Tangere ni Rizal naroroon ang catubusan n~g bayang filipino. ¡Laking pagcacagulo n~g m~ga fraile at n~g lahát n~g m~ga castíl
Salita Ng Araw