United States or Anguilla ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang saquit ay malaquing totoo, ay hindi macahin~ga ang maysaquit cundi locloc; ang pulso,i, totoong unti at maralas; nan~gin~gitim ang muc-ha, pati nang dila; tungmitin~gin ang maysaquit sa magcabicabila; hindi mapalagay; sira ang bait; ang isang cabilang camay cun minsa,i, patay na di maiquibo; linalabasan nang manchang murado sa dibdib at liig cun siya,i, lungmulubha, at namamatay tuloy.
Cun minsan lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib, at ang may cataua,i, hindi macahin~ga cundi locloc; saca nasisira tuloy ang bait; ang pulso ay ungmoonti at dungmaralas; at pag nalaonlaon, namamatay ang maysaquit. Itong saquit ay masama; at maliuag matapatan ng gamot.
Salita Ng Araw