United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !


In~gatan po kayo n~g Dios na mahabang panahon. Tan~gway ikalima n~g Julio n~g taong isang libo walong daan at siyam na pu't walo . Ayon sa kahin~giang nan~gun~guna, ay limbaguin at ikalat ang librong sinasabi, na ang halaga ay isang peseta bawat isa, na iuukol sa mg~a kailan~gang sinasabi n~g gumawa.

Ang icapito,t, catapusa,i, baual ang lahat na man~ga librong malaqui ma,t, maliliit, ang man~ga munting calat na casulatan, ang man~ga diario, at balang nang sulat na ang laman ay lumalaban sa man~ga aral nang santa Iglesia; ang tanang casulatang nagpupuri sa man~ga camaliang hinati,t, sinala nang santo Papa, gaya nang man~ga sinala ni Pio IX sa caniyang casulatang padala sa sangcacristianohan, nang 8 de Diciembre de 1864; ang balang nang sulat na cumucut-ya sa man~ga Santong guinagalang nating sa man~ga altar, cun nagsasalita caya nang man~ga cabulaana,t, ipinataratang sa canila nang man~ga gaua, man~ga uica,t, man~ga acalang di ucol sa cabanalan; ang lahat nang man~ga librong nanunuya sa man~ga Sacramento,t, sa man~ga ugaling paraang na ipinag-uutos nang santa Iglesia sa pagmimisa, pagdarasal, at sa iba,t, ibang man~ga gauang magaling; at sa cauacasa,i, ang dilang casulatang sa conouari ma,t, di conouari ay cumacampi sa man~ga camaliang aral na laban sa pananampalataya at sa man~ga mabanal na asal . Laban dito sa cautusang itong bigay nang santo Papang si Pio IX, upang masaula ang man~ga cristiano sa pagbasa nang m~ga masasamang =diario,= ay hindi lamang nagcasala ang man~ga bumabasa nang balang na sa man~ga nasabing casulatan, cundi pa naman ang nan~gacacatulong sa pagpalimbag at sa pagcacalat, gaya baga cun limbaguin, ipagbili, bilhin, pasulat, at iba pa.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap