United States or Central African Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Teodora. ¡Caquilaquilabot na pagóng yaon! ¿At mayroon pang lalong malalaqui? Si Juan. Oo, at totoong malalaqui. ¿Hindi mo naaalaala ang sinasabi sa atin nang ating ama sa historia nang man~ga biaje niong man~ga tauong lumibot sa paliguidliguid nang mundo, at nacaquita sila sa dagat nang dacong timugan nang ilang man~ga pagóng na ang timbang ay may tatlong daang libra?
Casaysayan nang timbang nang man~ga iguinagamot nang man~ga médico sa man~ga maysaquit. Ang isang libra mayroong labing anim na onza, ó labing pitong piso. Ang isang piso,i, mayroong ualong saicapat. Ang isang saicapat ay dalauang saicaualo naman. Ang isang saicapat ay ga sandaang butil na trigo ó palay na hindi pili. Ang isang piso ay dalauang salapi. Ang isang piso at saicaualo ay isang onza.
Ang isang piso naman ay catimbang nang labing pitong saicaualo. Ang laman nang isang botellang ugali, ay mahiguit sa isang tagayan, ó apat na malaquing tazang chocolatihan mahiguit pa, na yao,i, isang libra rin. Ang laman nang isang ugaling cuchara ay ang saicaualong bahagui nang isang tazang malaquing chocolatihan.
Salita Ng Araw