United States or Svalbard and Jan Mayen ? Vote for the TOP Country of the Week !
Halos malabnot niya ang kanyang mga buhok sa matinding galit at sama ng loob. Nais niyang iwasak ang pintuan ng silid nang kinaruruunang asawa, nais niyang iwasak na iyon ay kanyang lamukusin at gawin ang mangyayari sa sukab na babae, nais niyang iwasak at ang lalaking kausap ng asawa, ay kimisin, durugin kung mangyayari, mamatay si Leonora, mamatay ang lalaking kausap at mamatay rin siya.
Ano ang mangyayari kung ang pintuang yaon ng silid ay iwasak niya at kitlan ng hininga ang sukab na asawa sa harap ng lalaking kasuyuan? Ano ang ibubunga kung ang lalaking nagputong ng kawalang hiyaan ay kanyang lamukusin at alisan ng buhay? Napopoot ang kanyang paningin ba wari at nagugulo ang kanyang pagiisip ng gayon na lamang. Walang malamang gawin ang kulang palad.