United States or Montserrat ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sapagca,t, ang dusang mula sa pag-ibig cung cahit mangyaring lumayó sa dibdib, quisáp matá lamang ay agád babalic at magdadagdág pa sa una nang ban~gís. Cayâ hindî pa man halos dumadápò ang toua sa lámad nang may dúsang pusó ay itinac-uil na nang dálitang lálò at ang túnod niya,i, siyang itinimó.
Elsa, ang sa malambing na tinig ay itinawag sa kanya n~g makatang kasalo, tawag na siyang gumambala sa kanyang pagmumunimuni. ¿Nahuhulaan mo kaya ang sukat isaloob n~g m~ga taong nakamamalas sa ganito nating anyo?... At ang tanong na iyo'y lalo pang nagparamdam n~g kasiglahan n~g pagasa sa m~ga lamad n~g puso n~g dalaga at siyang nagpapula n~g kanyang mukha sa sandaling iyon.
Iyan ang malaking sagabal, ang tanikalang gapos na ang m~ga kawil ay lihim na lumilingkis at bumabaon sa m~ga lamad n~g puso ni Tirso, kung kaya't ang kanyang pagsunodsunod sa m~ga bakas ni Elsa ay pawang may katugong masaklap na dilidili sa liblib na pitak n~g kanyang nasasalimuot na isipan.... Walang kamalaymalay si Elsa sa lihim na itong sinasarili ni Tirso.
Salita Ng Araw