United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapuwa't kung ang layon mo'y dumamá ng isáng sugat na dinamdam ng ating bayan; humanap ng isáng buháy na adhika upang pag-arala't dilidilihin; mag-aral ng mga makabayang halimbawa upang ituro sa ibá alang-alang sa kapakanán ng ating Lahi; kung iyán ang iyóng pita ay buklatín mong isa-isa ang mga dahon ng kasaysayang itó, matiyaga mong tunghan ang kaniyang talata, pagka't titibók ang iyong puso at mabubuhay na lalu't lalo ang mga símulaing inaalagaan mo sa dibdib.
Kay sama ng pagkakasulat at akóng itó ang una-unang nakakakilala ñgayon ng kasamaan, hindi lamang ng pagkakasulat, kungdi lalu't higít ng iláng isipang doo'y aking inilarawan. ¡Sayang na aklat! Gayón man, salamat sa pagpapayo ng maraming kamanunulat sa wikang tagalog, at si Amado'y napilitang sumunod sa kanilang adhika. Natalo akó kaibigan, ang wika sa akin.