United States or Curaçao ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung gayón ay oo. ang sagót nang bilango at tumindig sa kinauupan. Kinalág ni Pating ang tanikalang nakapipigil sa binata at ito'y sumunód sa pinuno n~g tulisán na tumun~go sa kinalalagyan ni Benita. Ibig mo ang magbigtí anyá sa bagong kawalá n~gayo'y tinutulutan na kitá, n~guni't sa tabí ng babaying iyan ka dapat magpakamatáy sapagka't siya man ay nagnasa ring magpatiwakal n~g dahil sa iyó.
Napatindig sa kinauupán; at noo'y ibig na sanang daluhun~gin ang dalawang panauhin upang maipakilala sa kanila ang bigát n~g sinabi; subali't nakapagpigil din sanhi sa pagaalaala sa m~ga pangyayaring di pamumun~gahan n~g anomang buti at sa pagaalaala rin naman na siya'y nasa kanyang sariling tahanan, at di nararapat na gumawa n~g anomang malalabag sa magandang kaugalian; kaya't namayapa pa rin at ang wikang kasabay n~g pagupong muli.
Ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya ... Ipan~gako mo rin ang m~ga bagay na ipinan~gako namin sa iyo. Ako na po ang bahala at sabay na nagtindig sa kinauupán at pagkatapos ay ang patuloy: Ako po'y aalis na.
Salita Ng Araw