United States or Bolivia ? Vote for the TOP Country of the Week !
=1896.= Ika =17 n~g Agosto=, pulong na idinaos n~g "Katipunan" sa "Kankong." =1896.= Ika =19 n~g Agosto=, pagkatuklas n~g "Katipunan" ni P. Mariano Gil. Ika 27 n~g Agosto, paglipat nina Bonifacio sa Balakbak. Ika 28 n~g Agosto, pagkalagda n~g pahayag sa paghihimagsik. Ika 29 n~g Agosto, pasyang pagsimula n~g paghihimagsik, na iniuutos sa pahayag ni Bonifacio.
Nang m~ga araw na yaon, ay nakapaglagay na ang "Katipunan" n~g kaniyang m~ga tiktik sa loob n~g pamahalaan na naghahatid kay Bonifacio n~g m~ga balitang kailan~gan nitó. Kaya, n~g malaman niyang natuklasan na ang "Katipunan" n~g may kapangyarihan, ay pinulong ang lahat n~g m~ga pan~gulo sa m~ga balan~gay at m~ga kasapi sa pook n~g Kankong, Kalookan, niyong ika 17 n~g Agosto n~g 1896.