United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maliksing naba sa sasakyang nakasagasa ang isang manggagamot upang siyasatin ang m~ga nasawi. At di pa gaanong nalalapit sa pook na kinaroroonan n~g m~ga labi n~g nadurog na kalesa't n~g m~ga napahamak na sakay, nang maulinigan na niya ang kalunoslunos na daing n~g tinig n~g babae. ¡Naku, Tirso ko! ¡Tirso...! ¡Tirso kooo...!
Ang kalakasan n~g pagkakabangga ay gayon na lamang na sa isang pikitmata ay nawasak ang kalesa't napahagis sa lupa ang kanyang m~ga lulan. Ang ambulancia nama'y nakalayo pa muna n~g may m~ga dalawampung dipa bago napahinto sa isang gilid n~g lansan~gan. Sa harap n~g gayon di hinihintay na kasakunaa'y ¿sino ang makahuhula sa napagsapit na palad nina Tirso at Elsa? ¿Patay? ¿Buhay?
Salita Ng Araw