United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang kalakasan n~g pagkakabangga ay gayon na lamang na sa isang pikitmata ay nawasak ang kalesa't napahagis sa lupa ang kanyang m~ga lulan. Ang ambulancia nama'y nakalayo pa muna n~g may m~ga dalawampung dipa bago napahinto sa isang gilid n~g lansan~gan. Sa harap n~g gayon di hinihintay na kasakunaa'y ¿sino ang makahuhula sa napagsapit na palad nina Tirso at Elsa? ¿Patay? ¿Buhay?
Pagkairinig sa huling pagibik na iya'y ang manang ang una at boong liksing nakalapit, n~guni't si Tirso ma'y naroon na ring hawak sa bisig ni Elsa. ¡Anak ko! At sa loob n~g isang pikitmata halos ay tambing nang dinuhapang na niyakap n~g matanda ang abang maysakit. N~guni't ito ay waring di nakakikilala n~g tao't parang walang naririnig na anoman.