United States or Nicaragua ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ugali't salita madaling malutas nang ito'y matanto ni Rufiang dulin~gás lalong sinulsulan jornal na alin~gas sila'y maghimagsic sa castilang lahat. Sinabi pa nito huag mag-alaala sila'y tutulun~gan tanang caual baga dito sa Maynila Infantería't Guía sampuong artillero na ualang pagsala.

Cung sacasacaling ayao na itaas sila'y man~gag-alsa huag na magulat sapagca't tutulong ang caual na lahat sa Maynila't Tan~guay at pauang casabuat. Napahinuhod n~ga, ang lahat nang jornal sa mabuting aquit ni Zalduang nasinsáy caya ang guinaua nitong Fray Rufian umisip naman siya nang ibang paraan.

N~guni't bago siya sa Tan~guay umalis sina Montesino't Morquechong nasambit ay caniyang hini~ging dito na mapiit sa Maynilang Ciudad na sacdal nang diquit. Cahilin~gang ito ay di na nahintay sapagca't guló na ang lahat nang jornal sa hindi pagpayag sa ibinibigay dating caupahán, caya binayaan.

Ang caniyang guinaua umaga nang lingo humin~gi nang "fuerza" sa General dito hayág na Izquierdo pagca't natanto nito ang lahat nang jornal ibig na mangulo. Naisipang isa pahaliling tunay nang oras ding ito sa isang capantay nang coronel Roxas nang di niya camtan yaong caguluhan naramdamang tunay.

Sa sabing matamis sa dalauang ito ay hindi tumangui sumagot nang oo upang sila lamang macalabas dito sa pagcacapiit doon sa Castillo. Ang lihim na ito ay hindi nagdaan arao nang sábado dumating na tunay nang pagbabayaran sa lahat nang jornal na nagsisigaua doon sa Arcenal.

Caya cun sacali cayo'y man~gagdiuang ay inyong ihiyao si Burgos mabuhay at ang Filipinas guilio ninyong bayan España'y mamatay, mamatay na tunay. Sa «enga~nong» ito sa hina nang isip niyaong man~ga jornal sila ay naquinyig sa hicayat nitong lalaquing mabait uala nang inimbot cundi gauang lihis.

Caya ang sumagui sa caniyang acala sina Montesino't Morquechong daquila pinaquiusapan na tulun~gang sadiya ang lahat nang jornal sa pag-aalsa n~ga. Ang dalauang ito ay castilang taal na capua tenienteng napipiit lamang sa Castillong sacdal sa bayan nang Tan~guay n~gala'y San Felipe lipós cahirapan.

Icadalauang puo buan nang Enero siyang cabilan~gan nang arao na ito caya nagsitutol, sinunod ang trato nang sila'y bayaran sa di nila gusto. Nang ito'y matanto nang coronel Buttler bunying Gobernador nang caual na tambing sa lalauigang Tan~guay ay hindi pinansin reclamo nang jornal na ualang cahambing.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap