United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang caniyang guinaua umaga nang lingo humin~gi nang "fuerza" sa General dito hayág na Izquierdo pagca't natanto nito ang lahat nang jornal ibig na mangulo. Naisipang isa pahaliling tunay nang oras ding ito sa isang capantay nang coronel Roxas nang di niya camtan yaong caguluhan naramdamang tunay.
At caracaraca siya'y nagpa-atas cay Izquierdong hayág n~g isang calatas ang bagay na ito'y ipinatalastas upang sila doon abuluyang cagyat. Nang ito'y matanto nitong si Izquierdo sumubó ang galit na di mamagcano caya capagdaca ang tanang sundalo dito sa Maynila ay pinasaclolo.
Ipinagpilitan ang nan~gulo dito ang bunying si Burgos sa nangyaring guló caya ang marapat baguhing totoo ang sa diligenciang guinaua nang daco. Caya sa pagdin~gig at cusang pagtitig niyong si Izquierdo sa salaping tiquís yaong diligencia ay binagong pilit sinunod ang nasa nang fraileng balauis.