United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Halos punô n~g tao ang salas: hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae, tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga . Ang m~ga babae ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagyâ na nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalitâ; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung gabí sa isáng bahay, m~ga in~gay na gawâ n~g m~ga dagâ at n~g m~ga butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't ibang m~ga "Nuestra Señora" na nagsabit sa m~ga pader ang siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga babae?
Salita Ng Araw