United States or Mauritius ? Vote for the TOP Country of the Week !
Humigit kumúlang ay ganitó ang wari baga'y ibig ipahiwatig ng lákad, dagunot ng paa, imbáy, galáw ng mga nagluluwángang matá, at anyô ng mukhâ ng isang anaki'y leon na nagkatawáng tao; isa manding Nicholás II; isang tila baga matáas na matáas na di marunong yumukô, ó di nakakakilála sa alin mang punô. Ang máginoong ito ay isa riyan sa mga diyosdiusang mister na laging puputákputák sa Pilipinas.
Wala; anhin mang timban~gin ni Tirso ay hindi makagigitaw at lulunurin lamang sa biro ang anomang paliwanag na ipahiwatig niya sa harap n~g kawang yaon n~g m~ga may kato sa katawan. Mahan~ga'y magsawalang kibo na lamang....
"Ibig niyáng ipahiwatig na di ang lahat ng utos ng pamunúan ay dápat sundín; na kapág ang isáng kautusan ay walâ sa matwid, ang magtaás ng noo, ang magmatigás, ang tumutol, ay di isáng kasalanan, kundî isáng átas ng kabayanihan, isang tandâ ng katinuán, isang taták ng karangálan!"... Si tandâng Kulás ay napanganga't sukat.