United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaaway kunwâ ng bisyo, dapwa't siya ang nagpalagò sa kanyang bayan ng sugal at sabong iyang mga laróng walang tumatangkilik kundi ang lahat ng mga tamad, ang lahát nang ibig mabuhay nang nakangangá, ang mga nanghihináyang na gamítin ang útak, magpatulò ng páwis at batákin ang butó, ang mga ulól at mga duwág na natatákot yumápak sa mga baitang ng hagdánang matarík na patúngo sa karangálan at katinuán ng táo sa pamumúhay...
"Ibig niyáng ipahiwatig na di ang lahat ng utos ng pamunúan ay dápat sundín; na kapág ang isáng kautusan ay walâ sa matwid, ang magtaás ng noo, ang magmatigás, ang tumutol, ay di isáng kasalanan, kundî isáng átas ng kabayanihan, isang tandâ ng katinuán, isang taták ng karangálan!"... Si tandâng Kulás ay napanganga't sukat.