United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Tirso, na nang gabing iyo'y napanibaguhan n~g malaki ni Elsa dahil sa m~ga kilos at pananalitang kung tayahi'y parang nagpapahayag na ang mestisang ito na lamang ang tan~ging naghahari sa kaibuturan n~g puso niya; pagkarinig sa gayong pagbanggit n~g tungkol sa ilaw ay malamyos na bumulong sa kanyang kapiling. ¿Bakit, Elsa, iniino mo pa ang pakawalang ilaw? anya. ¿Nadidimlan ka ba sa piling ko?
Yaong m~ga taong may yabag na mabigat na halos nababakas ang yapak at tila ibig palubugin ang lupa, ay m~ga taong palalo, hambog, matabil at mapagmatapang. Ang m~ga humahakbang n~g walang wawa na di iniíno kung mahusay ó hindi ang lakad, alalaon baga'y iniindayog ang boong katawan kasabay n~g paa ay m~ga magagaspang na tao at un~gas.
Salita Ng Araw