United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Aywan ko kung anó ang nangyari, n~guni't n~g dumating ay napaluhód sa harapan ni tatay na kasabáy ang sigaw na: «Ayokong pumayag, ayoko, datapwa't pinagtulun~gan ako n~g pan~ginoon at dalawang alilang lalaki; ako'y inahiga ni kapitang Tiago at ... ayoko; ayoko.» Si ina'y ay ulól n~g umuwi. Sa lakí n~g kasawiang dinanas ay hindi nakatagal at natimbwang na walang diwa sa sahig n~g aming bahay.