United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pag-inom nang anomang bagay na alac ay nacacasama doon sa sipón; at cun minsan ang sipón na talagang mauauala na, ay dahilan sa pag-inom nang alac bagcus lungmalaqui. Cun ang tauong sinisipon ay totoong nanhina na, at hindi mangyaring mauala ang caniyang sipón iinomin niya arao-arao ang bilin sa número 14; ang timbang ay cahati ó isang saicapat na isinasama sa caonting alac.

Cailan~gan namang mahan~ginan ang silid; datapoua,t, houag ilagay ang maysaquit doon sa dinaraanan nang han~gin; touing iihi, ó mag-iilaguin, itatapon agad ang dumi; cun baga pacacanin ang maysaquit, ang ipacain doo,i, ang tinapay na dinurog sa tubig na marami; ang tubig na may tinapay, pacuculoin sa apoy hangan sa matunao ang tinapay, saca sasalain, at siya lamang ang iinomin niya.

Ang nagcasaquit dahil sa cainaman nang pag-gaua, cun minsan yungmayayat at natutuyo ang catauan; at ang gamot sa saquit na ito,i, ang suero na iinomin nang malauong panahon; saca ang baños nang tubig na malacoco; at cun mahabang arao guinaua na ito, ang isusunod sa catapusan ay ang gatas nang baca, calabao, ó cambing.

Ang iinomin niyang parati, ay ang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay , ó ang tubig na ang sa icapat na bahagui ay gatas. Saca siya,i, lumacad arao-arao ó sumacay sa cabayong-yagyag. Cun ang maysaquit ay nananabi touing icalaua ó icatlong arao, sucat na yaon; at masama ang sumpitin nang malimit.

Iinomin nang maysaquit ang calahating tazang mahiguit, isang oras bago cumain cun umaga, cun tanghali, at cun gab-i. Ang timbang dalauang pisong pinagquiquilan nang bacal, at ang timbang isang salaping rudang tuyo, sampon nang timbang isang salapi ring anís, na binayong maigui, ay isasama sa caunting pulot ; ang timbang tatlong bahagui noon ay lolonoquin nang maysaquit maghapon.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap