United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ayao ako n~g kuartahan ang ulit n~g matanda. Kapag po napakain mo ay unsun~gin ka po naming pauwi sa bayan, yamang gabi na din lamang, at ikaw po namay matanda na. How?... Lalong mabuti at galing din sa inyong bibig! Sia n~ga po ang ulit n~g apat na m~ga kapustahan.
Yao'y hindi pagtataboy, kundi pagpapakilala lamang sa nagawang kasalanan.... ¡How! Kaya niya ako pinagsalitaang gayon na walang kapatupatumangga ay sa dahilang may paniwala siyang ako'y paglalaruan mo lang. At kung ganyan ang nadadama ko sa iyo ay ... ¡tila hindi siya nagkakamali!...
Hindi po, itinugong di naiwasan n~g lalaki: n~guni't kagabi pang hatinggabi'y kamunti na akong makarating dito sa paghanap sa batang iyan.... How, eh saan ba naman mapapatun~go si Elsa kundi rito sa kanyang tia, ang saklaw naman ni manang Magda. Subali't ang mestisa ay hindi nakahuma gaputok man sa sidhi n~g kalituhang naghahari sa kanyang pagkababae.