United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !
Para-para silang nakinig nang Misa sampon nang Infanteng Hispericos bagá doon sa Simbaha'y napipisan sila at nananalan~gin sa Dios na Amá. Ginagamit nila ang boong pag-galang at lubhang malabis na pagpipitagan, at sila ay doon nakikipanayam sa Dios na Haring macapangyarihan.
Noon ay ang Hari namang sinusunod na namamahala ay si Agabundos, at ang bunso niyang capatid na irog ay yaong Infante na si Hispericos. Ang bunying Infante ay nagca-asaua nang isang Duquesa na si Aprodicia, dalauang babayeng naguing Anác nila na ang bunso'y ualang cauan~gis nang ganda.
Isa ang Infante na si Hispericos na capatid niyong Haring Agabundos, sa tanang guinoo siya ay calahoc nang pananalan~gin sa may lic-hang Dios. Nagcataon namang sa loob n~g Templo'y si Hispericos at isang concejero, sila'y nag-uusap na nakita dito nang Hari, ay tantong galit ay sumubó.