United States or Pitcairn Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang may icatlong arao na sila,i, nasasaquitan ay linooban nang dalauang anac ni Jacob na si Simeon at ni Levi ang ciudad nang Siquem, casama ang canilang man~ga lingcod at pinagpapatay ang lahat nang lalaqui na ipinaquiramay si Siquem at ni Hemor, at quinuha si Dina. Nang macaalis na sa ciudad si Simeon at ni Levi, siya namang pumasoc at lumoob ang ibang man~ga anac ni Jacob.
Cun si Dina na anac ni Jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni Siquem, na anac nang principe Hemor, na inilugsó ang caniyang pagca virgen. Cun magcagayo,i, laquing dalamháti nang isang magulang, at palibhasa,i, casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan. At cun magcabihira,i, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari sa man~ga anac ni Jacob at anac ni Hemor.
Nang nagsasalitaan ang dalauang magulang, ay narinig nang man~ga anac ni Jacob, natantó ang nangyari cay Dina, galit ay di hamac, nagbantang maghiganti, n~guni di ipinahalatá ang canilang masamang nasa. Sa cahin~gian ni Hemor ay hindi napahinuhod ang man~ga anac ni Jacob, hangang di sila nan~gaco na maquiquiugali sa canila, na susunód sa Ley nang Circuncision na utos nang Dios sa man~ga Hebreo.
Salita Ng Araw