United States or Seychelles ? Vote for the TOP Country of the Week !
"N~g icasiyam na oras n~g gabi n~g araw na icasampô nitóng buwan, araw na sinusundan n~g fiesta, pagcatapos n~g isáng masaráp at saganang hapunang inihandóg sa amin n~g Hermano Mayor, tinakhan naming lahát na m~ga castila't m~ga fraileng na sa convento, ang caaliw-aliw na tugtóg n~g musicang may casabay na nagsisiksicang caramihang tao at n~g úgong n~g m~ga cohete at malalaking bomba, at pinamamatnugutan n~g m~ga guinoo n~g bayan, ang tinutun~go'y ang convento upang cami'y sunduin at ihatíd sa lugar na nahahandâ at iniuucol sa amin at n~g doo'y panoorin namin ang catuwaang palalabasin."
At n~g makita niyá ang dalawáng batang lalaking may sampóng taón ang isá at ang isá'y may malapit sa pitó, lumapit sa caniláng hindî na hinantay ang sagót n~g m~ga sacristán. ¿Sasama ba cayó sa akin, m~ga báta? ang itinanóng sa canilá. May handâ sa inyó ang inyóng nanay na isáng hapunang marapat sa m~ga cura.