United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagdaan sa gayong calagayan ang maghapon. Palibhasa'y walang ano mang nacahahadlang sa canya sapagca't piniguing ang canyang asawa, ang budhi niya'y pinupuno n~g guiyaguis: masasabing untiunting pinupuspos ang canyang m~ga silacbo n~g tilamsic at init n~g lintic at nan~gagbabalang magsambulat n~g isang imbing unos. Nan~gagsisiyucod na lahat sa canyang paliguid, tulad sa m~ga uhay sa unang hihip n~g bagyo: walang nasusunduang hadlang, hindi nacatitisod n~g ano mang dulo ó catayugang sucat mapagbuntuhan n~g canyang cayamutan; nanghihinuyo at nan~gan~gayupapang lahat ang m~ga sundalo at m~ga alil