United States or Myanmar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa pág-uwi ni Kadiliman, natagpô nito si Goring na pinakamaganda sa bayang yaon, at ganito ang unang bati ni Goring: Tio Agong. Hindi ako ang si tio Agong, kundi ako ang si Agong Kadiliman ang naging tugon. ¿Bakit ka bulong n~g bulong? ang pamanghang tanong.
¡Ay Goring! ... ang pahinagpis na lantak ni Kadiliman; alang-alang sa ganda mong taglay, sa buti mong pag-uugali, sa karunun~gan mong magwikang inglés, sa kanipisan n~g iyong labi at pagkamairugin mo sa kababayan, ako'y iyong tulun~gan. ¿Sa ano? ang tanong ni Goring. Nang pagpatay kay Hitô. Kung huli mo na madali kong patain. Hindi ko n~ga madakip, napakadulas. ¿Ano bang samâ ang ginawâ sa iyo?