United States or Bolivia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Walâ doón ni isáng táo, sapagka't ang lahát ay nagkakatípon sa harapán. "Gerardo, oh Gerardo! násaan ka?" ang tánging naisigáw ni Elena. "Gerardo?, anóng Gerardo?" ang pairíng na tugón ng lalaki. "Anó pa ang Gegerarduhin mo ngayón? Si Gerardo'y patáy ná!" "Tampalasang táo!!" "Yaóng nanhík kanínang suót demónyo ang siyáng umutás sa kanyá!" "Oh mga tampalásan!!" Si Elena ay hinimatay.
Salita Ng Araw