United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga magugulang ay nan~gagkikindatan, nan~gagsisicuhán, nan~gaghuhudyatan, at nababasa sa caniláng m~ga pagn~gitî na sa sila'y lumiligaya. ¡Abá! ang sabi n~g isáng babaeng tagabukid sa isáng matandang lalaking nagdidicdic n~g hitsó sa canyáng calicot; magpaparì ang aking si Andoy, cahi't áayaw ang aking asawa.
¡Siya n~gâ ani capitana Ticâ; datapuwa't iniibig co pang mabasâ ang laylayan n~g aking sáya cay sa ipakita ang aking paa: nalalaman co n~g may m~ga matáng nagmámasid na nagtatago sa m~ga damuhán sa pampáng. Nan~gagkikindatan at nan~gagn~gin~gitîan ang m~ga dalagang nacacárinig n~g m~ga bagay na ito: hindî pumapansin ang m~ga ibá, sa pagca't may saríli namán siláng m~ga pinag-uusapan.