United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa ibabaw n~g damuhan at sa lilim n~g malalabay na punongkahoy na nagbibigay n~g kahalihalinang anyo sa pook na yaon, hindi mamakailang sila'y naguulayaw n~g boong payapa at ang m~ga puso nilang kalong n~g ligaya'y binibigyang panahong magkapalitan n~g wagas na tibukin ... At kung mapagod na sa panonood n~g hayop na walang kasingamo sa loob n~g kulungang bakal gayong pagkailapilap kapag nasa kagubatan, kung man~galay na ang m~ga mata't magsipamitig ang m~ga litid sa pagmamasid sa pagsasalimbayan n~g sarisaring ibong may iba't ibang kulay, sa paghahabulan n~g m~ga dagang-kosta, m~ga koneho, sa paguumakyat-manaog sa m~ga nagsalabat na kahoy n~g m~ga unggong mukhang taong pan~git, sa kiniwalkiwal n~g buwaya, sa pamamalupot n~g sawa, sa paninin~gasing n~g baboy-damo, tamaraw at iba't iba pa; kung sila ay manghinawa na n~ga sa lahat n~g iyan ay saka lamang nila lilisanin ang pook na yaon n~g sa puso'y taglay ang m~ga alaalang labis na makabuo n~g isang gintong kabanata sa kasaysayan n~g kanilang pagsisintahan....

¡Siya n~ ani capitana Ticâ; datapuwa't iniibig co pang mabasâ ang laylayan n~g aking sáya cay sa ipakita ang aking paa: nalalaman co n~g may m~ga matáng nagmámasid na nagtatago sa m~ga damuhán sa pampáng. Nan~gagkikindatan at nan~gagn~gin~gitîan ang m~ga dalagang nacacárinig n~g m~ga bagay na ito: hindî pumapansin ang m~ga ibá, sa pagca't may saríli namán siláng m~ga pinag-uusapan.