United States or United Kingdom ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang panihála sa dalá cong hocbó ipinagtiualang iuan cay Minandro; noón di,i, tumulac sa Etoliang Reino, pagsunód sa Hari,t, Albania,i, tinun~go. Nang dumatíng aco,i, gabíng cadilimán pumasoc sa Reinong ualáng agam-agam pagdaca,i, quinubcob ¡laquíng caliluhan! na may tatlóng-pauong libong sandatahán.
Bucód dito,i, madláng digmâ nang ca-auay ang sunód-sunód cong pinag-tagumpayán ano pa,t, sa aquing cáliz na matapang labing-pitóng hari ang nan~gag-sigalang. Isang arao acóng bagong nagvictoria sa Etoliang Ciudad na cúsang binaca tumangáp ng súlat n~g aquing Monarca mahigpít na biling moui sa Albania.
Sa pagnanasa cong siya,i, magantihán, at sulatan quitá sa Etoliang bayan, pinilit ang púsong houag ipamalay sa lilo, ang aquing ca-ayaua,t, suclám. Limáng bouang singcád ang hin~ging taning ang caniyáng sinta,i, bago co tangapín; n~guni,t, pinasiyáng túnay sa panimdím, ang mag patiuacál cundî ca dumatíng.
Salita Ng Araw