United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maigui rin ang tapal nang cicuta, na cun bibilhin sa botica, ang hihin~gin doo,i, emplasto de cicuta. N~guni madali namang itapal ang isang caputol na dahon nang talampunay na yaon ay casing galing nang cicuta, ayon sa turo ni Linneo. Ang cicutang tuyo ay isisilid sa isang unan, ó supot na munti; saca lulutuing sumandaling oras calauon sa tubig, bago pigain at itapal.
Dito sa alac na ito ay ibabad mo ang man~ga damit na basahan na itatapal sa maysaquit. Cun baga mayroong nasactan na casucasuan, yaong iniluluto mong ruda, romero at gumamela ay samahan mo nang caunting cicuta ó talampunay. Ang emplasto diapalma, na bibilhin sa botica. Nota. Itong ungüento,i, tutunauin muna sa caunting lana, bago ilatag sa sugat na sinasabi sa párrafo 297.
Salita Ng Araw