United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa piling ng isang Leoning ay lalong dumakila ang isang Eduardo. Lalong naging maningning ang kanyang pagasa. Kay buti nga namang idinulot ng pagkakataong yaon! Sa harap ni Leoning ay naging isa siyang dakila, isang bayani na pinuputungan sa ulo ng masaganang laurel. Purihin siya sa harap ng kanyang paraluman, ay anong tamis sa isang kalooban ng binata!

At, palad! gayon na lamang ang pagkagalak ni Eduardo pagka't ang tahanang yaon ay katapat ng tahanang kinatitirahan ng kanyang irog: ni Leoning. Pako, at tapat pala nitong inyo ang kanila? Oo, malasin mo ang ganda ng pagkakaayos ng tahanang iyan. Oo, nga kay ganda! At bagama't hindi pa napapanhik ni Eduardo ang kinatitirahang yaon ni Leoning ay gayon na lamang ang kanyang paghanga sa pagkakaayos.

Paris din ng puso kong hindi na nakakakita ng liwayway ng kaligayahan. Oo, waring napakapait ang lahat ngayon para sa ating damdamin . Eduardo, natapos nga sa atin ang lahat, na, nang mga unang sandali ay di ko man lamang napangarap ang ganito. Natapos sa atin ang lahat at marahil ay magpakailan man ay di na mangyayaring magbalik pa ang ating maligayang kahapon.

Niwawalang bahala mo kaya pagka't akong kaharap mo ay isang abang maralitang Eduardo lamang na di dapat pansinin? Eduardo, bakit ka nagsalita ng ganyan? Leoning, hindi ba katotohanan ang aking sinabi? Eduardo, huwag mong pasakitan ang aking puso. Oo, iniibig kita. Ikaw lamang ang buhay ko. Leoning, salamat, diyata...? Eduardo, asahan mong boong puso kitang iniibig. Leoning!!! Eduardo!!!

Datapwa't para kay Eduardo ay walang ginagawa ang sarili kundi ang laging magsanay, laging magsikap at adhikain ang mga lalong mabuting ikahahanap niya ng paraan sa pagtatagumpay. Kailangan ang mahihigpit na suliraning kanyang pagaralan lalong lalo na ang mga suliraning bayan na kailangang ang bayan ay kanyang tulungan sa ikapapayapa ng mamamayan.

Nguni't sa pagiisa ni Eduardo ay kanyang naiisip na matagal pang panahon bago niya masisilayan ang mukha ni Leoning. Iyan ang mapait dilidilihin para sa kanya. Kailan pa niya makikita ang mukha ng kanyang kasintahan? Kailan pa? Kailan pa kaya niya makikita ang kanyang ilaw at buhay? Kailan niya makikita ang titig na mapangakit ng kanyang Leoning? Kay pait nga naman ng ganito!

Lumuluha ang isang Eduardo dahil sa sumpang nilimot ni Leoning. Mga pusong nagsisitangis. Ang una ay hindi lubos na paniwalaan ni Eduardo ang mga balitang kumakalat sa mga lalong matataas na lipunan sa Maynila, ang nauukol sa lalong madaling panahon na pagiisang palad ni Leonora at ni Daniel Perez.

Pagkaraan ng maraming araw at mga linggong sinusundan ng mga buwan mula nang si Leonora ay mapakasal kay Daniel Perez, si Eduardo ay nagi nang masasaktin. Ang lahat niyang kasiglahan ng katawan ay paraparang nangungupas na lahat, sa pagkahulog ng lakas. Ngayo'y nagi siyang isang binatang maputlain at nagyayayat ang dating sariwang katawan.

Eduardo, natapos sa atin ang lahat, nguni't alamin mong hindi kita nililimot. Wala nga lamang palad kita. Hindi kita naging akin na gaya ng pagasa ko at ako naman ay di naging iyo . Natapos na nga sa ating dalawa ang lahat nguni't ipinaaabot ko rin sa iyong hindi ako ang kusang lumimot. Talaga lamang ng panahong hindi kita ang mapalad na magkakasama hanggang sa libingan .

Ang kanyang kasayaw, ay waring ang mga mukha ay laging tungo sa kanya, tila nahihiya. Bakit? At ang binibini, waring pipi at hindi sumasagot sa ilan nang mga tanong at pangungusap ng binata. Kaya pamuling nangusap si Eduardo. Leoning, ang kahapon kaya natin ay ni minsan man ay di mo na magunita pa? Eduardo nalalaman ko ang lahat ng iyon na sumagot na waring naghihirap ang damdamin ng binibini.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap