United States or Cambodia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagca yari na yaon, at malamig na ang palioc, ay iyong alisin ang natira sa ilalim, at itago mo sa botellang may taquip na daluro, sapagca yaon ang extracto. Nota. Cun baga ang iyong cucunan nang extracto ay damong malata,t, matubig ay bayuhin mo muna,t, pigain, at ang gata noon ay isama mo sa tubig, at lutuin sa palioc sa mahinang apoy, hangan maiga ang tubig para nang uica cong una.
Pagca tunao na, ay budburan mo nang timbang pisong albayalde, at haloing parati, bago doonan mo naman nang timbang cahating suca ó timbang cahati pa nang gata nang dayap, cun ibig mo. Pagca halo nang maigui, ay itago mo sa botellang may taquip na daluro, ó ibubu mo sa papel.