United States or Liechtenstein ? Vote for the TOP Country of the Week !


Laguim na totoó ang gobernadorcillo; ang canyáng sillón, yaóng dakilang sillóng nacalagáy sa ilalim n~g larawan n~g mahál na harì, waláng gumagamit, at wari'y natutungcol sa ibáng tao. Dumatíng ang curang namúmutla't cunót ang noó, n~g malapit n~g tumugtóg ang á las nueve. ¡Hindi namán nagpahintáy cayóng totoó! ang sinabi sa canyá n~g alférez.

Nahuhulog sa canyang malusóg na líig ang canyang m~ga buhóc na maiitim, mahahaba at hindî inaalagaan; napagwawarì sa m~ga cunót n~g canyang itimang barong damít na magaspang ang canyang macapangyarihang m~ga casucasuang sumapi sa canyang maugat at lilís na m~ga bísig upang magamit na parang isang balahìbong ibon lamang ang malapad at pagcálakilaking sagwang canyáng itinítimon upang mapatnugutan ang dalawáng bangcâ.

Nagcapalad n~ga si Sisa na hindi siya mawatasan. Umunat n~g caunti ang cunot n~g m~ga kilay n~g alfereza, isang n~giti n~g catuwaan ang siyang nagbigay saya sa caniyang mukha: hindi na n~ga mapag-aalinlan~ganang hindi siya marunong n~g wicang tagalog, "orofea" na siya.

Tila mandin canyáng namataan sa isáng marikit na "victoria" si párì Dámasong mabalasíc ang mukhá't cunót ang m~ga kílay; n~guni't siyá'y nacaraan na at n~gayo'y masayáng bumabati sa canyá, búhat sa canyáng carretela si Capitan Tinong na casacáy ang canyáng asawâ't dalawáng m~ga anác na babae.

Pagcakita sa caniláng m~ga mukháng ang cabatáa'y tumatawa at ang pag ása'y maníningning; sa panonood n~g linipadlipad n~g caniláng malalagò't maiitim na buhóc at malalapad na cunót n~g canilang m~ga damít, marahil ipalagáy nating silá'y m~ga diosa n~g gabí, cung sana talastás nating silá'y si María Clara na casama ang canyáng ápat na caibigan: ang masayáng si Sinang na canyáng pinsan, ang hindî makíbuing si Victoria, ang magandáng si Iday at ang mahinhing si Neneng na matimtiman at kimî ang cagandahan.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap