United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa cuarto'i, nagtulóy na itong si doña María, at nag-ualáng quibó siya parang hindi ala-ala. Ang hari nang maguising na dinucot ang unan niya, ay nacuha capagdaca singsing niyang mahalagá. Naguló ang gunam-gunam nang haring Salermong mahal, at hindi niya mapatay ang príncipeng si don Juan. Tingnan dito pa sa isa na ipag-uutos co pa, tantó manding ualang sala na siya'i, mapapatay na.

Ay ano'i, nang magabi na naparoón ang princesa, at pinagsabihan niya si don Juang casi't, sintá. Búcas ay ualang pagsala tantong ipatatauag ca, magtulóy nang pumanhic ca sa hari'i, maquipagquita. Siya ay iyong daratnán sa catre niyang hihigán. malaqui ang capagalan masasaquít ang catauan. Nang ito ay masabi na ay umalis ang princesa, sa cuarto'i, nagtuloy siyá at nang macapagpahingá.

Ay sa gayong pagcacalat negritos niyang tinauag, sa tacot na dili hamac nangagsipasoc na agád. Ang uinica nang princesa mouí ca na aquing sintá, aco'i, siyang bahala na sa palacio'i, magdadalá. Nagtuloy na si don Juan doon sa porterong bahay, si doña María naman nanhíc sa palacio real. Inilagay na sa lamesa yaong frascong dalá niya, sa cuarto'i, nagtuloy na at natulog nanga siya.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap