United States or Bouvet Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ito'i, aquing pauaualán sa tubig nang caragatan, isilíd mong ulí naman sa frascong quinalalag-yan. Isa ma'i huag magculang sa negritong pauaualán, huag namang mapalita't, capalit ang iyong búhay. Pinaualán nanga rito labing dalauang negrito, at nag-uica nang ganitó ang haring si don Salermo. Sa umagang mag-almusál sa lamesa cong cacanan, maquiquitang ualang culang negritos cong pauaualán.

Sagót ni don Jua't, badyá ó poon co't, aquing sintá, ganito'i, paquingan niya utos nang mahal mong amá. Negrito niyang laruán sa tubig ay pinaualán, itong frasco ay iniuan at mulí cong isilid dao. Na hustong labing-dalauá ang negritos na lahat na. capag nagculang nang isa búhay co ang cahalagá. Ang sagót ni doña María ó don Juang aquing sintá, cun yaón ang utos niya huag cang mag-ala-ala,

Ay sa gayong pagcacalat negritos niyang tinauag, sa tacot na dili hamac nangagsipasoc na agád. Ang uinica nang princesa mouí ca na aquing sintá, aco'i, siyang bahala na sa palacio'i, magdadalá. Nagtuloy na si don Juan doon sa porterong bahay, si doña María naman nanhíc sa palacio real. Inilagay na sa lamesa yaong frascong dalá niya, sa cuarto'i, nagtuloy na at natulog nanga siya.