United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Upang huwag cong mapatay ang isang caawaawang cuadrillerong gumaganap n~g canyang catungculan, ipinaubaya cong siya ang sumugat sa akin. Datapuwa't tingnan po ninyó ani Elías pagca lampas n~g sandaling hindi pag-imíc; tingnan po ninyó cung alin ang cakilakilabot na siga na inyong pagsusugbahan sa ating culang palad na m~ga bayan.
Umulan ang m~ga bato sa pulutong n~g m~ga cuadrillerong naghahatid sa dalawang guardia civil; may isang nagyayacag na silabin ang cuartel at iihaw roon si doña Consolacióng casama ang alférez.
¿Ano ang nangyari? Ilinagad n~g dalawang guardia civil na may tan~gang pamalo ang m~ga músico at n~g pahintuin ang pinalalabas; sila'y narakip, baga man nagsisilaban, n~g teniente mayor, na casama ang caniyang m~ga cuadrillerong ang dalang sandata'y ang canilang m~ga lumang sable. ¡Inyong ihatid sila sa tribunal! ang sigaw ni don Filipo, cayó ang bahala pagca sila'y nacawala!