United States or Kosovo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maguíng limáng bouán acó sa Crotona nag-pilit bumalíc sa Reinong Albania ¿di sinong susumáng sa acay nang sintá cun ang tinutun~go,i, lalo,t, isang Laura? Sa gayóng catulin nang aming paglacad nai-inip aco,t, ang nása,i, lumipád, ¡abá,t,! nang matanao ang muóg nang Ciudad, cumutóg sa aquing púso,i, lalong hírap!
Anopa,t, ang aming búhay na mag amá nayapus n~g bangís n~g sing-isang dusa, cami ay dinatnáng nagcacayacap pa niyaóng Embajador n~g bayang Crotona. Nacapangaling na sa Palacio Real, at ipinagsábi sa Harì ang pacay dalá,i, isang súlat sa Amá cong hirang titic ng Monarcang caniyang bianan.
Iyóng cautan~gan paroong mag-adia, nunò mo ang Hari sa bayang Crotona; dugò cang mataás, ay dapat cumita nang sariling dan~gál, at bunyí sa guerra." Sa pagca,t, matouid ang sa Haring saysáy, umayon si amá cahi,t, mapaít man, nang agád masubò sa pagpapatayan ang ca battan co,t, di cabihasahan.
Salita Ng Araw