United States or San Marino ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya magnilay ca't iyong pag-isipin ang capahamacang iyong sasapitin, cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim na casacunaa'y siyang tatamuhin. Ang sa Haring Clovis namang casagutan ang corona't cetro'y di maiaálay, at doon sa campo cayo ay maghintay at lalabas caming hindi maliliban.
Ang corona't, cetrong mahal si don Pedro ang salinan, aco'i, may corona naman sa reinong de los Cristal. Sa uinicang ito baga niyong si doña María, ipinutong capagdaca cay don Pedro ang corona. Ang sa mariquit na reina bunying doña Leonora, ibinigay sa caniya ang mahal na diadema. At sila'i, umúi naman sa reinong de los Cristal, gayong layong linacaran isang oras na linacbay.
Yamang capua rin heredero sila nang corona't cetro nang Reyno nang Francia, caya ang consejo'y pauang nagcaisang Príncipe Pepino'y siyang magcorona. Matanto nang Papa ang ganoong saad napaayon nama't cusang minarapat, ang mapag-alaga aniya't masicap sa Reyno, ang siyang ucol na maghamac.