United States or Vatican City ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagdatíng sa coro'y nakiníg n~g maigui: lumálayô n~g boong catulinan ang voces n~g canyáng capatíd, at ang sigáw na: "¡nánay!", "¡cacâ!" ay nawaláng lubós pagcasará n~g pintô. Nan~gán~gatal, nagpapawis, sandalî siyáng tumiguil; kinácagat niyá ang canyáng camao upang lunúrin ang isáng sigáw na nagtutumácas sa canyáng púsò at pinabayaan niyáng magpalin~gaplin~gap ang canyáng m~ga matá sa nag-aagaw dilím at liwanag na simbahan. Doo'y malamlám ang nin~gas n~g ílaw na lan~gís sa "lámpara"; na sa guitnâ, ang "catafalco"; sará ang lahát n~g m~ga pintuan, at may m~ga rejas ang m~ga bintán
Salita Ng Araw