United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Hindi cácauntî ang inyóng capalarang lumabás, na alinsunod sa pasyá n~g hucóm ay walang casalanan, sa m~ga panahóng itó! ang sabi ni capitang Basilio cay don Filipo; tunay n~ga't sinunog nilá ang inyóng m~ga libro, n~guni't lalong malakí ang nan~gawalâ sa m~ga ibá. Lumapit sa rejas ang isáng babae at tumin~gín sa dacong loob.
Tumatan~gis si capitana Tinay, at tinatawag ang canyáng anác na si Antonio; tinítingnan n~g matapang na si capitana María ang maliit na rejas, sa pagcá't sa dacong loob niyó'y naroroon ang canyáng dalawáng cambál, na siyáng tan~ging m~ga anác niyá.