United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang magpalin~gos lin~gos sa raan, magtacá, mamaang sa ano man, na parang noon lamang naquita, ó maquipagsalita caya sa matanda na para nang sa bata, ó magsaysay caya nang ano man na parang siya lamang ang naca-aalám, ay isang casalanang nacalulupit.
Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalin~gap-lin~gap, ang maglaró at magtauánan. Pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdarasál ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano.