United States or Argentina ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Diyán..! sa alin mang lugar. ang sagot n~g "cocinero", na bahagyá na sinulyáp ang m~ga gúlay na iyón, na ang canyáng guinágawa ang siyáng totoong pinakikialaman: siya'y naghihimulmol n~g isáng capón.
Nanambitan si Sisa n~g boong capaitan, at nagpacáupô sa isáng bangcô. ¡Howág cayóng manán~gis dito! ang isinigáw sa canyá n~g cocinero: ¿hindî ba ninyó alám na may sakít ang párì? Doon cayó manan~gis sa lansan~gan. Nanaog sa hagdanan ang abang babaeng halos ipinagtutulacan, samantalang nagbubulungbulun~gan ang m~ga "manang" at pinagbabalacbalac nilá ang tungcól sa sakit n~g cura.
May sakít ang párì, ang sinasabi n~g "cocinero," samantalang nagháhand
¡Tinacpán ni Sisa ang m~ga tain~ga, binucsán ang bibíg, n~guni't nawalang cabuluhán ang paggaláw n~g canyáng m~ga lábì: waláng lumabás na anó mang tíni! ¡Tingnán na n~gâ ninyó ang inyóng m~ga anác! ang idinugtóng n~g cocinero. ¡Napagkikilalang cayó'y mápagtapat na asawa; nagsilabás ang m~ga anác na gaya rin n~g caniláng amá! ¡At mag-in~gat cayó't ang maliit ay lálampas pa sa amá!